Friday, May 24, 2013
Text Size

     Sa buhay ng tao, mahalaga na lagi tayong tumatawag at nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang ibinibigay at ipinagkakaloob Niya sa atin.

    altNitong mga nakakaraang araw sobrang abala ako sa trabaho dahil sa sunud-sunod na mga activities! Pakiramdam ko nga hindi ako maka-move on… ang dami kasingpasingit-singit sa tabi-tabi pero kaya natin ‘to, hinay-hinay lang… minsan ngasumasablay at pumapalpak na ako, basta ang mahalaga kapag nagkakamali umaamin sa pagkakamali, di sinasadya at humihingi ng patawad!  Ewan ko ba dati naman di ako ganito… kahit na rattled, pressured at stressed ako okay naman yung mga trabaho ko yung nga lang pagdating sa pag-uugali sa tingin at pakiramdam ko mas lumalala ako.  

     Batid ko na sa bawat patak ng luha na dumadaloy sa aking pisngi ang walang humpay na pagmamahal sa akin ng Diyos!  Sa hirap na pinagdadaanan sa buhay, dumadating ang pagkakataon na nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan na sadyang nagdudulot sa akin ng pagkabalisa.  Sa ganitong paraan malinaw na  ipinapakita ng Diyos sa akin ang kaugnayan ng mga pangyayari sa aking trabaho o personal na buhay sa aking relasyon sa Kanya.  Madalas ipinagwawalang bahala ko lahat ng mga paalala ng Diyos sa akin at ibinabaling ko palagi ang aking atensyon sa ibang mga bagay.  Dahil dito lalo ko lamang inilulubog ang aking sarili sa kumunoy at sa apoy na ako rin naman ang mapapaso. 
 

     Lagi kong pinapaalala sa aking sarili yung mga paalala sa akin ng aking Spiritual Director, “tao din sila tulad ko nagkakamali,” Huwag mag-expect sa kapwa, “huwag magsungit” at higit sa lahat palaging magdasal!


     altSa mga panahong nakakaramdan na ako ng di maganda, tumitigil ako sandali, pinapakiramdaman ko kung ano ang nangyayari sa akin, sa paligid ko at kung ano ang pinapahiwatig ng mga pangyayaring ito sa buhay ko at higit sa lahat ano ang sinasabi ng Diyos sa akin!  Sa ganitong paraan mas gumagaan ang aking pakiramdam, mas madali kong nauunawaan at natatanggap ang mga pangyayari.  Kahit may mga pagsubok at paghihirap na pinagdadaanan sa buhay sa positibong pagtingin at pananaw pa rin ako tumutugon dahil alam ko na ito ang matuwid at tamang daan patungo sa kalooban ng Diyos.

     Minsan nga tinatanong ko sa aking sarili tama ba ang ginagawa ko, hindi ba ko sumasalungat sa kalooban ng Diyos?  Alam ko sa sarili ko na hindi pa lubos na buo ang pagkatao ko.  Batid ko rin na ang dami ko pang kailangang baguhin sa aking mga kilos, gawa at salita.  Mahirap, pero mas mahirap kung ang magiging bunga ng bawat paghihirap ay hindi ko iaalay sa Diyos!

alt

     “Panginoon salamat sa Iyong pagmamahal sa akin.  Salamat sa Iyong pagtitiis at pagtataya ng Iyong Sarili.  Tulungan mo akong magtiwala sa Iyo at maging sa aking sarili upang aking maging sandata sa mapayapa at masaganang buhay.”

-------------------------

By Joy Drilon-Panti

Joy Drilon-Panti has been working in CIS as Programs Assistant for the past eight years.
  
 

Login Form