Thursday, June 20, 2013
Text Size

Somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn’t really matter when


Sa aking buhay may mga landas akong tinahak na mahirap at masikip na nagdudulot ng sakit na siyang naghahatid sa akin ng kalungkutan.  May mga pangako na hindi natupad at may mga pangarap na hindi nabuo. May mga pangyayari na dumungis sa aking pagkatao ngunit sa kabila ng lahat nagawa ko pa ring harapin ang buhay, gaano man kakipot ang daan.

 

alt


alt

 

 

Sayang ang mga sandaling pinalipas ko
Na’ron ka na, bakit pa humanap ng iba
Bakit ba ang pagsisisi laging nasa huli
Ang mga lumipas di na maaaring balikan


May mga pangyayari na gumugulo at sumusubok sa aking pagkatao na siya ring dahilan kung bakit may mga desisyong hindi ko dapat ginawa. Nagpadala ako sa akala kong tama pero nadadala lang pala ako sa bugso ng aking damdamin. Napagtanto ko na may mga bagay, oras at maging mga tao na hindi na pwedeng makuha at balikan. Kahit na anong pagsisisi at panghihinayang, di na pwedeng balikan ang nakaraan ngunit naniniwala ako na pwedeng magsimula muli at gumawa ng panibagong wakas.

 


From this moment life has begun
From this moment you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment on

This song really makes me feel complete and satisfied. Sa kabila ng lahat ng hindi magagandang nangyari sa aking buhay, dumating ang panahon na parang naging rainbow ang kulay ng paligid. Bawat kulay na nasa rainbow ay sumisimbolo sa bawat pangyayari sa buhay ko. Mula sa pagiging madilim naging makulay ang lahat.
 


alt

You treat me like a rose
You give me room to grow
You shone the light of love on me
And gave me air so I can breathe
You open doors that close
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall
Just like a rose

My daughter is the reason why I can still smile, kahit na may mga pangyayari na hindi maganda. I may not be a perfect person but I am trying to be a good mother and also a good father to her. Kahit na maraming puna sa sitwasyon namin, alam ko malalampasan namin yun. Salamat sa family ko na kahit para akong isang rosas na napakaraming tinik, hindi nila kami binitawan at pinabayaan ng anak ko. Kaya kahit anong panahon at bagyo pa ang dumating, nanatili kaming matatag at patuloy na namumulaklak.


 

“Salamat sa lahat ng biyaya na ipinagkakaloob mo sa akin, sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Mangyari nawa ang ninanais ng aking puso na naaayon sa kalooban mo. Basbasan nyo nawa ako ng lakas na harapin ang mga pangyayari na dadating at maaaring dumating sa aking buhay. Sabi nga po sa isang kanta, wag ka lang mawawala, pag nadyan ka, ako’y sumisigla. Maraming salamat. AMEN.”

 

 

Ruby Alvarez

 

Login Form